April 2, 2011

Poging Olats

Sa panahong tanging spaghetti na lang ang pababa nang pababa, hindi maalis sa isipan ko na (gwapo ako) maghanap ng paraan para kumita. Dahil bukod sa kinikita ko sa araw araw na pagpapanggap sa opisinang nagtratrabaho at sa gabi-gabing pagho-hosto sa circle, wala na kong maisip pang ibang resources kaya hindi ko talaga mapagkasya ang kakarampot kong kaperahan. Tila ba hindi matapos tapos ang mga bayarin at mauuna pa yatang maubos ang ngipin ko kaysa sa mga pesteng mga bayarin na yan.

Mag-artista na lang kaya ako? papasa naman siguro ako. Kung si dagul nga naging artista e anong dahilan nila para hindi ako tanggapin? wala.

Kaso iniwasan ko talaga ang showbiz. hindi ko talaga gusto ang limelight so, cancelled ang pagaartista. baka maungusan ko pa si john loyd

Ok.

Itigil na ang pagpapanggap.

Last week end, i had the chance to meet a couple of blogger-friends. Ang totoo, sa itinagal ng hiatus kuno ko sa malawak na mundo ng blogsperyo, hindi ko na kilala ang karamihan sa kanila, but still its worth the time. Maraming salamat POKW4NG at GASDUDE sa pagiimbita. Ang kukulit nyo, lalo ka na pokwie. Pero kinakailangan kong umuwi bago mag alas dose para maipagpatuloy ang pagho-hosto pagtapos ko sa mga naiwang trabaho. Sa uulitin mga parekoy... Bawi next time.

Salamat ulit!


***
.. at may pasok nanaman bukas. peste. magkakanda-kuba nanaman ako sa trabaho... pero ok nang may trabaho.. kesa naman mag-drugs.










7 comments:

Dhianz said...

paepal ditoh... lolz... yeah namiss koh ren mag-blog... pero mas may namiss akoh... lolz... anyhoo... mustah kuya ronz?... namiss den kitah kahit papaano... kahit papaano eh noh?... napilitan... lolz!... gawa moh nga akoh uletz nang new blog... nag-demand eh noh.. haha... nice nameet moh na ren si kuya dude... hopin' to meet u guyz too in d' future... so yeah... napadaan lang kuyah... thanks sa komentz moh don... Godbless!

bulag said...

tama, ok ng may trabaho kesa sa wala.

tabian said...

at kinumpara mo talaga kay dagul ang sarili mo? nyuk!
mag artista ka nalang kaya? hehehe

RonTuron said...

DEE: haha.. sige dee email mo ko. *yakap mahigpit*

Bulag: Tama ulit! hehe

Tabian: ayaw ko nga ng limelight e.. haha

DEMIGOD WINZTON said...

HAHA. LAKAS MO ;)

kabute said...

anong role ba gusto mo? XD

Anonymous said...

ron, bat si dagul ang inihalintulad mo? hehehe..naalala ko tuloy ang buraot na si avon.anywayz, nice job utol.-Jess