March 20, 2011

Dental Chaos

Linggo ngayon at buti na lang may pasok na bukas. buti naman! Malapit na kasi akong maging troso dito sa kwarto ko. At dahil sa kawalan ng pagkakaabalahan, sabi nga ng kapatid ko para na raw akong si machete, mapapangiti na sana ako dahil akala ko napansin nanaman ang angking kakisigan ko pero yun pala ako yung machete version na hindi pa nauukit.. Ampf! (mukhang kahoy) . . .

Isang linggo na akong hindi na nakakapag-hosto nakakapasok sa trabaho dahil sa iniinda kong dental surgery. Pota. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil sa pesteng mga tahi na ginawa ng dentista ko. Kumikirot pa hanggang ngayon. Akala nya siguro e butas na brip na kailangang sulsihan yung gilagid ko. kaamoy daw kasi...

Soft Diet. Yan ang kinakain ko ngayon. Para akong bumalik sa paggiging baby na bago pa lang nagkaka-ngipin. kulang na lang palaklakin ako ng gerber dito sa bahay dahil problema ko bawat oras ng pagkain. special food for special child 'ika nga at kailangan pang i-blender yung kakainin ko. ampf!

Ang hirap. sobra. ampf! peste.



9 comments:

YanaH said...

lol

ikaw na ang special child!

hahaha

ispesyal!

RonTuron said...

Yun lang YanaH. nyaha

- A n g e l - said...

Parang ang sakit naman ng surgery na yan! Anyare? : /

Bino said...

heheheh. yan ang mahirap sa ngipin heheheh

The Gasoline Dude said...

Ano ginawa sa 'yo? Kailangan ko ding magpa-dentista pag-uwi ko ng Pinas.

RonTuron said...

@Angel: you have no idea angel! ampf!~ puro tahi yung gums ko.. sa ngayon :P

@Bino: tama ka jan.!

@Gasul: oi gasul.. dun ka pa rin sa padrones ba yun? :D

tabian said...

ouch! may tahi ang ngipin mo ser? paano?how? bakit? di ko tuloy ma picture out...nyuk!
ang chaket nown!

chinchan said...

buti nalang maganda ipin ko hihii

RonTuron said...

@Tabian: naku mahirap tahiin ang ipin ah...buto yun e.. matigas yun. yung gums ang may tahi :D

@Chin: Good for you Chinchnan.. :P
too bad sakin.. hehe