August 19, 2011

Ab

*hingang malalim*


stomach in.


Lang'ya lumalaki nanaman ang tyan ko... at ang abs e nababawasan ng "s" at naging isang malaking AB nanaman... Hindi na kasi ako nakakapag buhat ng bangko' ng weights at barbels.Hindi na. kaya ang dating mala-hostong pangangatawan e .. ngayon, mala-la na ang kalagayan. Tsk.


Nawalan na kasi ako ng oras mag-gym. Di tulad ni Ate V na for all seasons, ako kasi isang season lang, every summer. Kung kelan mas kina-kailangan.


At sa tulong ng tone-toneladang kanin at balde-baldeng mantika ng manok sa chickboy at mang inasal, ayun, awa ni Lourd, kahit anong laki ni manoy, di ko na sya makita habang nakatayo. ampf!


Pero naisip ko, hindi naman kawalan ang pagkakaron ng malaking tyan. hindi. Dagdag pa nga yun, pang-romansa. Yun oh!

April 2, 2011

Poging Olats

Sa panahong tanging spaghetti na lang ang pababa nang pababa, hindi maalis sa isipan ko na (gwapo ako) maghanap ng paraan para kumita. Dahil bukod sa kinikita ko sa araw araw na pagpapanggap sa opisinang nagtratrabaho at sa gabi-gabing pagho-hosto sa circle, wala na kong maisip pang ibang resources kaya hindi ko talaga mapagkasya ang kakarampot kong kaperahan. Tila ba hindi matapos tapos ang mga bayarin at mauuna pa yatang maubos ang ngipin ko kaysa sa mga pesteng mga bayarin na yan.


Mag-artista na lang kaya ako? papasa naman siguro ako. Kung si dagul nga naging artista e anong dahilan nila para hindi ako tanggapin? wala.

Kaso iniwasan ko talaga ang showbiz. hindi ko talaga gusto ang limelight so, cancelled ang pagaartista. baka maungusan ko pa si john loyd

Ok.

Itigil na ang pagpapanggap.

Last week end, i had the chance to meet a couple of blogger-friends. Ang totoo, sa itinagal ng hiatus kuno ko sa malawak na mundo ng blogsperyo, hindi ko na kilala ang karamihan sa kanila, but still its worth the time. Maraming salamat POKW4NG at GASDUDE sa pagiimbita. Ang kukulit nyo, lalo ka na pokwie. Pero kinakailangan kong umuwi bago mag alas dose para maipagpatuloy ang pagho-hosto pagtapos ko sa mga naiwang trabaho. Sa uulitin mga parekoy... Bawi next time.

Salamat ulit!


***
.. at may pasok nanaman bukas. peste. magkakanda-kuba nanaman ako sa trabaho... pero ok nang may trabaho.. kesa naman mag-drugs.










March 20, 2011

Dental Chaos


Linggo ngayon at buti na lang may pasok na bukas. buti naman! Malapit na kasi akong maging troso dito sa kwarto ko. At dahil sa kawalan ng pagkakaabalahan, sabi nga ng kapatid ko para na raw akong si machete, mapapangiti na sana ako dahil akala ko napansin nanaman ang angking kakisigan ko pero yun pala ako yung machete version na hindi pa nauukit.. Ampf! (mukhang kahoy) . . .

Isang linggo na akong hindi na nakakapag-hosto nakakapasok sa trabaho dahil sa iniinda kong dental surgery. Pota. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil sa pesteng mga tahi na ginawa ng dentista ko. Kumikirot pa hanggang ngayon. Akala nya siguro e butas na brip na kailangang sulsihan yung gilagid ko. kaamoy daw kasi...


Soft Diet. Yan ang kinakain ko ngayon. Para akong bumalik sa paggiging baby na bago pa lang nagkaka-ngipin. kulang na lang palaklakin ako ng gerber dito sa bahay dahil problema ko bawat oras ng pagkain. special food for special child 'ika nga at kailangan pang i-blender yung kakainin ko. ampf!

Ang hirap. sobra. ampf! peste.



February 13, 2011

Lonely Hearts Day

BABALA:Kung ang hanap mo ay masayang mga sasabihin patungkol sa
pagibig ay hindi mo 'to makikita sa post na 'to. Akala mo lang meron.. pero
wala! wala! wala!

Hindi nga ako malungkot pero hindi naman din ako masaya.

Paano nga ba baybaying ang salitang kaligayahan? Spell happiness...

May kulang kasi... may "i" pero walang "u", ganun din sa salitang
happiness.
Sana kung naging "kalibugan" lang e kumpleto na dahil may "i" at
"u" pero hindi yun ang hanap ng isang katulad ko...
Gusto ko na ulit maging gwapo masaya, pero kahit jan walang "i" kaya siguro hindi ko maramdaman.

Valentines pa naman pero wala akong makasama - walang mayaya.. At wala ding nagyayaya. Kung pwede lang yayain yung anay sa kwarto ko na makipaginuman sakin malamang nagawa ko na. Pero kahit sila busy sa pagnguya ng kahoy sa nababakbak kong bintana. Tseh! Damn you anays!

Kung dati para kang langgam na sarap na sarap sa pagiging "sweet" ko.. Ngayon, para kang anay na busy sa pagwasak sa puso ko.
kaya hinihiling ko na sana naging bato na lang ang puso ko.


Mabuti pa yung mga langaw, hinahalikan ako ngayon sa lips.

At nagpapasalamat ako na kahit nilalangaw na'ko dahil hindi kita kasama ngayon e masaya ako't may natitira pa palang nilalang na nakapa-pansin sa kakisigan ko

Hindi nga ako malungkot pero hindi naman din ako masaya. Ang pakiramdam ko ay parang coke na mapabayaan sa mesa nang ilang oras. Hindi nga ganung kainit pero hindi rin naman ganun kalamig kaya hindi masarap inumin.

Batay sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi naman ako mahirap paligayahin dahil simple lang naman ang gusto ko sa buhay. bigyan mo lang ako ng isang milyong piso, isang foton van, at isang bahay sa camella e masaya na'ko. Mababaw at simpleng tao lang talaga ako, pero alam kong hindi simple ang mabuhay sa mundo, lalo kapag komplikado ang minamahal mo. gayunpaman, magka-pitpitan na ng bayag, walang pagaalinlangan ko pa ring ipagsisigawang mas pipiliin ko nang maghirap kung kasama ka naman, kaysa magsaya na kapiling ng iba.

*ampalaya mode off*

"HINDI MO NAMAN KAILANGANG MAGING MAGALING... H'WAG LANG PALPAK" - Jon Red

February 6, 2011

Singko


Kung kaligayahan lang ang sukatan ng antas ng pamumuhay marahil isa nako sa dukhang taong makikilala n'yo ngayon. Kasi siguro kahit botchang saya e hindi ko kayang magkaron.

Kasuklamsuklam.

Sinampal naman kasi ako ng magasawang lungkot kanina habang tumatae sa banyo. Langya. Hindi na nirispeto ang special moment ko with my inidoro. Walang paa-paalam bigla na lang akong inatake sabay gapos sakin at buhos ng balde-baldeng luha na katumbas ng pitong gatang na muta.

Mahirap talaga itago ang kalungkutan. Parang tsikinini sa leeg. Pilit mo mang hindi ipakita, may makakapansin pa rin. Kung pwede lang magsuot ng maskara gagawin ko. Pero hindi dapat. Paano nga ba maging masaya? lalo sa panahong ang mundo'y walang kulay. Kapag ngumiti at tumawa ba ko ibig sabihin masaya na? parang hindi naman. Hindi naman simpleng pagtawa lang ang sagot sa lungkot kahalintulad sa hindi simpleng plea bargaining agreement ang magiging sagot sa kaso Maj. Gen. Carlos F. Garcia.

Wala lang ulit. Wala lang akong magawa kaya pumatay nanaman ako ng oras. Bukas may trabaho nanaman at bukas papatay nanaman ako pero hindi oras sa trabaho. kundi ng lungkot kung maaari lang.

kelangang maging masaya.